Kakatapos ko lang manuod ng SAKSI at ibinalita nila ang mga sinabi ng mga lider ng Simbahang Romano Katholiko na ang pagsali ng mga bading sa isang religious procession tulad ng Santa Cruzan ay “kinokondena” nila. Nakalulungkot isipin na ang mga miembro nila na mga bading ay kinokondena nila. Sumasali ang mga bading sa Sta. Cruzan dahil sila ay mga debotong Katoliko at ayon sa kanila habang ginagawa nila ito sila ay nananalangin sa Panginoon at ginagawa nila ito bilang isang panata.
Talaga namang ang mga lider ng Simbahang Katoliko ay lagi na lamang nakatingin sa panlabas na kaanyuan ng mga bading. At karamihan sa kanila ay pinagkakamalan nilang mga bastos at malisyosong mga tao. Ngunit hindi nila nakikita ang PUSO at ESPIRITU ng mga taong ito, mga taong mapagmahal sa Dios. Nakakalungkot isipin na ang mga malalaking simbahan ay nangongondena ng sarili nilang mga kaanib. Imbis na mahalin sila at unawain ang expression ng kanilang pananampalatayang Katoliko ay minamasama pa.
Ang aming simbahang MCCPhilippines ay hindi nagsalita sa isyu ni “Danilo” na taga Cebu. Pero ngayon medyo hindi na talaga tama ang simbahang Katoliko. Bakit hindi ninyo kondenahin ang mga paring Bading? mga Obispong Bading? mga madreng tomboy? na nakatago sa mga simbahan ninyo? Bakit hindi niyo sila palayasin at ng makita na ng taong bayan once and for all kung anong klaseng simbahan ito na dinala ng mga Kastila sa ating bansa?
Huwag sanang pwersahin ng simbahang Katoliko ang buong GLBT Community sa Pilipinas. Huwag niyo kaming ilagay sa isang pusisyong kakailanganin na naming magsalita at lumaban sa inyo. Ang turo ni Kristo ay PAG-IBIG at natitiyak naming pagdating ni Kristo babatukan niya kayo! AMEN…
ACKNOWLEDGMENT: Photo courtesy of John Havellana 









no comment
Insecure lang yang mga paring yan. Hindi kasi sila makapagladlad at makasali sa Santa Cruzan. Peace